Mall-wide sales sa mga mall tuwing weekdays bawal pa rin ayon sa MMDA

By Den Macaranas January 28, 2017 - 07:27 PM

traffic2
Inquirer file photo

Itutuloy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kabuuan ng 2017 ang pagbabawal sa mga shopping malls na magsagawa ng mall-wide sales tuwing weekdays.

Lilimitahan rin ang byahe ng mga delivery trucks papunta sa mga mall mula alas-onse ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw lamang.

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na sasanayin rin nila sa traffic management ang ilang security personnel ng ilang mga malls para makatulong sa kanilang mga tauhan.

Nilinaw pa ng opisyal na nakipagpulong siya sa mga mall operators at nagkasundo sila sa nasabing panukala.

Sa kasalukuyan ay hindi na rin tumatanggap ang MMDA ang mga number coding exemption permits para mabawasan ang bilang mga sasakyan sa mga lansangan lalo na tuwing rush hours.

TAGS: malls, mmda, orbos, malls, mmda, orbos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.