Uupahan na lamang ng Commission on Elections ang mahigit sa 93 libong Optical Mark Reader Unit na gagamitin para sa Eleksyon 2016.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, walang tumutol sa mga miyembro ng Comelec En Banc na gumamit ng mga bagong makina.
Paliwanag pa ni Bautista, ito ang kanilang nakikitang pinakapraktikal at pinakaligtas na paraan para matiyak ang kapani-paniwala at malinis na eleksyon sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Bautista na parehong nanalo sa bidding ang Smartmatic-TIM sa dalawang magkahiwalay na bidding na idinaos ng Comelec para sa pag-upa ng mga bagong makina.
Ang halaga ng pag-upa ay posibleng gumastos ang Comelec ng 7.9 billion pesos para lamang sa pag-upa ng mga bagong makina./ Jong Manlapaz
MOST READ
LATEST STORIES