DOT, umaasang hindi maglalabas ng travel ban ang South Korea sa bansa

 

Umaasa ang Department of Tourism na hindi magpapatupad ng travel ban sa Pilipinas bunsod ng pagdukot at pagpatay sa Koryanong businessman na si Jee Ick Joo.

Nais din ng ahensiya na ipagpatuloy ng Korean nationals ang pag-iinvest bilang nangungunang bisita ng bansa kung saan aabot sa 127,547 na Koryanong turista ang dumadating at 5.65 bilyong piso ang nailalaan ng mga ito.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, nagpaabot na ang ahensiya ng pakikiramay sa South Korea sa karumaldumal na paslang kay Jee.

Gayunman, hindi pa nararamdaman sa bansa ang epekto ng nangyaring insidente sa ngayon.

Samantala, ipinarating ng isang daang militante sa isang kilos-protesta sa harap ng headquarters ng Philippine National Police sa Kampo Crame na tanggalin sa pwesto ang mga abusado at may kasong opisyal.

Read more...