ASG leader Isnilon Hapilon, lubhang nasugatan sa opensiba ng militar
Malubha umanong nasugatan ang teroristang pinuno ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na si Isnilon Hapilon.
Ito’y dahil sa isinagawang pambo-bomba ng mga militar sa kanilang mga kuta sa Butig, Lanao del Sur, na inilunsad nila matapos mapag-alaman na naroon ang terorista.
Ayon sa mga lokal na opisyal ng Butig, namataan si Hapilon na may kasamang dayuhan.
Bagaman buhay pa, napuruhan umano ng mga sundalo sa kanilang operasyon si Hapilon na isa rin sa mga kinikilala at minamatyagang terorista sa Amerika.
Wala pang inilalabas na opisyal na bilang ang mga otoridad, ngunit ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, base sa mga paunang intelligence reports, nasa apat ang tinatayang nasawi sa opensiba, habang kabilang naman si Hapilon sa mga nasugatan.
Kamakailan lang ay kinumpirma ni Lorenzana na opisyal nang kinilala ng Islamic State group ang Abu Sayyaf bilang kanilang affiliate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.