Pag-giit ng Pilipinas sa karapatan sa West Philippine Sea, idadaan sa diplomasya

By Chona Yu January 28, 2017 - 04:33 AM

Philippine-Navy-Patrol-Ship-36-West-Philippine-Sea-Flight-MH370Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na patuloy na igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Tugon ito ng Palasyo sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na nagsasabing 84 percent ng mga Filipino ang nagsasabing kailangan na igiit ng Pilipinas ang karapatan sa West Philippine Sea.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, “soft landing” o sa pamamagitan ng diplomasya ang gagamiting pamamaraan ng Pangulong Duterte, pero palaban.

Sa katunayan ay sinabi ni Abella na mas pinili ng pangulo na magkaroon ng bilateral talks sa gobyerno ng China.

Pagtitiyak pa ni Abella, hindi isusuko ng pangulo ang claims nito sa exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Gayunman, aminado si Abella na nakadidismaya ang ginawa ng China nang magsagawa ito ng reclamation activity sa tatlong isla pati na ang kanilang presensya sa Scarborough shoal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.