ASG member na sangkot sa Sipadan kidnapping, naaresto sa Zamboanga

By Ruel Perez January 27, 2017 - 08:17 PM

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirerNaaresto ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na isinasangkot sa Sipadan kidnapping noong 2001.

Kinilala ang suspek na si Faizal Jaafar alyas Jaafar Mundi, na gumagamit din ng alyas na Abu Jaafar, Aren at Ben o Abu Raba.

Naaresto si Jaafar sa Barangay Cawit, Zamboanga City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa Puerto Princesa City sa Palawan at Isabela City sa Basilan.

May kinakaharap na 87 bilang ng kasong kidnapping and serious illegal detention si Jaafar kaugnay ng Sipadan kidnapping incident noong 2001.

May nakabinbin din umanong kasong murder laban kay Jaafar.

 

TAGS: ASG, Faizal Jaafar, Zamboanga, ASG, Faizal Jaafar, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.