Temperatura sa Baguio City, muling lumamig kaninang umaga
By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2017 - 05:04 PM
Muling lumamig ang panahon sa Baguio City, Biyernes ng umaga.
Niatala ng PAGASA ang 11 degrees Celsius sa lungsod, na pinakamalamig nang temperatura sa Baguio mula ng pumasok ang taong 2017.
Noon ding January 9, naitala sa Baguio City ang 11 degrees Celsius.
Ayon kay Efren Dalipog, weather observer sa PAGASA station sa Baguio, inaasahang lalamig pa ang temperatura sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.