Pangulong Duterte ilang ulit nag-sorry sa South Korean Government

By Len Montaño January 27, 2017 - 04:33 PM

duterte malacanangKinumpirma ni Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae-Shin na ilang beses humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Korea kaugnay ng pagpatay sa mamamayan nilang si Jee Ick Joo.

Ayon kay Ambassador Kim, hindi ordinaryong kaso ang pagpatay sa kanilang kababayan na si Jee.

Lalo pa at mga pulis ang sangkot sa krimen na ginawa pa mismo sa loob ng headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Ayon sa South Korean envoy, personal niyang nakausap si Pangulong Duterte sa ceremonial switch-on at kick-off ceremony ng Sarangani Energy Section 2 ng 105 megawatt coal fired power plant sa Maasim, Sarangani province.

Sa naturang okasyon aniya ay ilang beses nag-sorry at nagpaabot ng pakikiramay at simpatiya ang pangulo sa pamahalaan ng South Korea.

Nangako naman umano si Pangulong Duterte na gagawin ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa Korean businessman at para mabigyan ng hustisya ang biktima.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.