10 bahay nasunog sa Quezon City; isang bumbero ang sugatan

By Rod Lagusad January 27, 2017 - 04:00 PM

Kuha ni Rod Lagusad
Kuha ni Rod Lagusad

Tinupok ng apoy ang aabot sa 10 bahay sa bahagi ng Dollar Street, Barangay North Fairview sa Quezon City.

Kuha ni Rod Lagusad
Kuha ni Rod Lagusad

Ala 1:19 ng hapon nang matanggap ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department ang tawag na sumiklab ang apoy sa isang residential area sa nasabing lugar.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 2:03 pm sa residential area dito sa dollar st. Brgy. North Fairview, Qc.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang Cris Tusiap, 40-anyos.

Nasugatan naman ang isang Joseph Angelo Refuerso na nagtamo ng 2nd degree burn sa kanyang leeg na agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Tinatayang nasa 50,000 pesos ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

TAGS: fire incident, North Fairview, fire incident, North Fairview

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.