Lugar kung saan pinatay umano si Jee Ick Joo sa Camp Crame, inalayan ng bulaklak at binasbasan
Muling nagbalik sa Camp Crame ang ilang Korean Nationals para mag-alay ng dasal at bulaklak sa lugar kung saan pinatay umano ang kanilang kababayan na si Jee Ick Joo.
Sumama din ang tatlong Korean sa pagbabasbas ng isang katolikong pari sa parking space kung saan napatay si ang negosyante Koreano.
Maliban sa mga dayuhan, sumama rin sa pag-aalay at pagdarasal ang mga opisyal at tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG).
Sa kuwadro na bitbit ng mga dayuhang nagtungo sa Campo Crame, mababasa ang mga katagang “Condolence Jee Ick Joo, I’m sorry you’ll never be forgotten”.
Sinabi ni Charlie Shin, Vice President ng United Korean Community Association of the Philippines na sa kabila ng trahedya ay matatag pa rin ang tiwala at respeto nila sa mga pulis.
Iginiit lang nito na tutukan nila ang kaso ng kanilang kababayan hanggang sa mabigyan ito ng hustisya.
WATCH: Ilang Korean nationals at mga opisyal ng PNP-AIDG, nag-alay ng bulaklak | Video via @wiljonjrabejero pic.twitter.com/PSBINzYlIj
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 27, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.