Dalawang app based transportation na mala-uber at grab, pinatititigil sa operasyon ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2017 - 12:47 PM

FB Photo
FB Photo

Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pag-operate ang isang bagong app based transportation na mala-Uber at Grab.

Sa abiso ng LTFRB, hindi pwedeng ituloy ng App based na “Angkas” ang kanilang operasyon dahil wala silang koordinasyon sa ahensya.

LTFRB Advisory
LTFRB Advisory

Base sa Facebook page ng “Angkas” isa itong uri ng application based na transportation service na gumagamit ng motorsiklo.

Gaya ng Uber at Grab, pwedeng i-hire ang mga motorsiklo ng “Angkas” sa pamamagitan ng kanilang mobile app.

AngkasAyon sa “Angkas” available na ang kanilang mga biyahe sa Makati, Global City sa Taguig, Pasig at Maynila.

Nag-iimbita din ito ng bikers na maari nilang maging accredited members at sinabing pwede silang kumita ng hanggang P6,000 kada linggo.

“LTFRB strongly warns Angkas to stop all bookings made with the use of this kind of application / platform. Otherwise, LTFRB will be constrained to take legal actions against Angkas and its illegitimate operators,” ayon sa babala ng LTFRB.

Samantala, nagpalabas din ng parehong abiso ang LTFRB sa isa pang app based transportation service na “Wunder Carpool”.

LTFRB advisory
LTFRB advisory

Carpooling naman ang sistema na gamit ng “Wunder”.

Ang mga pasahero at motorista na miyembro nito ay maaring magkaroon ng komunikasyon para maisakay ng driver ang isang biyahero lalo na kung halos iisang direksyon lamang ang kanilang destinasyon.

WunderAyon sa LTFRB, wala ding koordinasyon o permiso mula sa kanila ang “Wunder” para mag-operate kaya maitituring na hindi lehitimo ang operasyon nito.

 

TAGS: Angkas, Grab, ltfrb, Uber, Wunder Carpooling, Angkas, Grab, ltfrb, Uber, Wunder Carpooling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.