Beep Cards gagamitin na rin sa LRT line 1 simula August 16, araw ng Linggo

August 13, 2015 - 11:58 AM

beep cardSimula sa darating na Linggo, August 16, gagamitin na rin ang mga beep cards o ang tap-and-go cards kapalit ng magnetic tickets.

Ayon sa Light Rail Authority Administration (LRTA) matapos ang positibong resulta ng isinagawang testing sa paggamit ng beep card sa LRT line 2 (Santolan-Recto) gagamitin na rin ito sa line 1.

Ang mga beep cards na pre-loaded ng P80 ay maari nang mabili sa Roosevelt, Doroteo Jose, Central, EDSA-Taft, Gil Puyat, Monumento at Baclaran stations sa halagang P100. Ang P20 pesos ay one-time payment para sa beep cards.

Ngayon pa lamang hinihikayat na ng pamunuan ng LRTA ang mga pasahero na bumili na ng ticket para sa pagsisimula ng bagong sistema sa Linggo ay hindi hahaba ang pila sa mga ticket booths.

Simula sa August 17 naman, Lunes ay maari na ring mabili ang mga pre-loaded beep cards sa Unibersidad de Manila, Philippine Normal University, Technical University of the Philippines, Masagana Building at Victory Mall.

Ang mga pasahero naman na mayroon nang beep cards na nabili nila sa LRT line 2 ay maaring gamitin na rin ang nasabing card sa line 1./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: beep cards, lrt line 1, beep cards, lrt line 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.