Black Friday protest, isinagawa sa PNP headquarters

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Kinailangang isara ang EDSA gate ng headquarters ng Philippine National Police (PNP) matapos na magtipon-tipon mga iba’t ibang grupo ng mga raliyista sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

May bitbit pang props ang mga nasa isangdaang raliyista na nagpapakita ng mga anila ay biktima ng extra-judicial killings na kanilang inilatag sa kalsada.

Kuha ni Wilmor Abejero

Ayon kay BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes, nakababahala na ang mga nangyayari sa war on drugs ng Duterte administration.

Ani Reyes, tila ang paniniwala ngayon ng mga pulis ay maari silang gumawa ng krimen nang hindi sila mananagot at nakababahala ang ganitong kaisipan.

“Nababalutan na ng impunity ang PNP, naninwala silang kapag gumawa sila ng krimen ay hindi sila mananagot. Nakakatakot ang umiiral na kaisipan sa ating mga pulis,” ani Reyes.

Ang nasabing protesta ay nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA.

 

 

Read more...