Kopya ng CCTV ng mga pulis na nagtatanim ng ebidensya sa sinalakay na opisina, bubusisiin ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2017 - 11:33 AM

Mga pulis na nagtatanim umano ng ebidensya huli sa CCTV Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang kopya ng CCTV footage na ipinakita ni Senator Panfilo Lacson kahapon sa senado kung saan mayroong mga pulis na nakitang nagtatanim ng ebidensya sa isinagawang raid sa isang establisyimento.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesperson, Col. Dionardo Carlos, kahapon, pagkatapos ng hearing, agad kinausap ni PNP Chief Ronald Dela Rosa si Lacson para humingi ng kopya ng video.

Sinabi ni Carlos na iimbestigahan na ito ng PNP para matukoy kung saan ito nangyari at kung sino-sino ang mga pulis na nakita sa video footage.

“Immediately after the hearing nakipag-usap si Chief PNP kay Sen Lacson para makahingi ng kopya ng CCTV, para magawan ang aksyon, masimulan ang imbestigasyon at mapanagot ang mga pulis na nasa CCTV footage,” sinabi ni Carlos.

Ani Carlos, malinaw sa kuha ng CCTV na may mga paglabag ang mga pulis lalo pa at hindi sila nakasuot ng tamang uniporme habang nagaganap ang raid.

Kinakailangan aniyang naka-general office attire ang mga pulis kapag nagsasagawa sila ng police operations.

Kung totoo din aniyang mga tauhan ng Special Operations Task Group (SOTG) ang mga pulis na nakita sa video ay nasa mga provincial o ‘di kaya ay district level ang mga ito.

Sa nasabing video, sinalakay ng mga hindi unipormadong mga pulis ang isang establisyimento, pinalipat ng kwarto ang mga empleyado at saka naghalughog sa mga mesa.

Nakita pa ang isang pulis na may kinuha sa kaniyang backpack at saka may pinaglalagay sa mga lamesa.

 

 

TAGS: cctv, cops caught planting evidence, cctv, cops caught planting evidence

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.