Dinagat Islands at Occidental Mindoro magkasunod na niyanig ng lindol
Magkasunod na niyanig ng lindol ang bayan ng Loreto sa Dinagat Islands at ang bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.2 na lindol sa 37 kilometers North ng Loreto, Dinagat Islands alas 4:49 ng umaga.
May lalim na 29 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Sunod namang tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa 20 kilometers West ng Looc, Occidental Mindoro alas 6:55 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic din ang origin ng lindol at hindi naman inaasahang makakapaminsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.