Bumaligtad ang isang SUV matapos salpukin ng isang delivery truck sa kanto ng Remedios at Taft Avenue, Maynila.
Kwento ng truck driver na si Roger Bosotros, galing siya sa Divisoria at magde-deliver sana ng panindang bawang at sibuyas.
Liliko sana siya sa Remedios nang bigla na lamang umanong dumating ang rumaragasang Ford Everest na may plakang TSI-965 na minamaneho ni Renz Bagtas, 20-anyos.
Nabigla na lamang umano siya dahil sa bilis ng andar ng SUV na hindi na rin niya naiwasan.
Wasak na wasak ang SUV, habang basag naman ang windshield at natanggal ang bumper ng truck sa lakas ng impact.
Aminado naman ang truck driver na si Bosotros na bawal kumaliwa sa nasabing intersection, pero matagal na umano niya itong ginagawa dahil lagi naman umano siyang dumadaan sa lugar.
Tatlo ang sugatan, kabilang ang driver ng SUV at dalawang sakay nito na pawang mga estudyante ng De La Salle University.
Dinala sa ospital ang mga sugatan na nagtamo ng mga minor injuries.
Posible namang maharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and multiple physical injury ang driver ng truck.
WATCH: SUV bumaligtad matapos sumalpok sa isang delivery van sa Taft Ave cor Remedios St sa Maynila | @CyrilleCupino pic.twitter.com/CBQZAo7wca
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 26, 2017
WATCH: 3 ang nasugatan sa aksidente sangkot ang isang SUV at delivery van sa Maynila | @CyrilleCupino pic.twitter.com/ygCxCIRa3J
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 26, 2017