WATCH: SUV, bumaligtad matapos salpukin ng delivery truck sa Maynila; 3 ang sugatan

By Cyrille Cupino January 27, 2017 - 06:44 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Bumaligtad ang isang SUV matapos salpukin ng isang delivery truck sa kanto ng Remedios at Taft Avenue, Maynila.

Kwento ng truck driver na si Roger Bosotros, galing siya sa Divisoria at magde-deliver sana ng panindang bawang at sibuyas.

Liliko sana siya sa Remedios nang bigla na lamang umanong dumating ang rumaragasang Ford Everest na may plakang TSI-965 na minamaneho ni Renz Bagtas, 20-anyos.

Nabigla na lamang umano siya dahil sa bilis ng andar ng SUV na hindi na rin niya naiwasan.

Wasak na wasak ang SUV, habang basag naman ang windshield at natanggal ang bumper ng truck sa lakas ng impact.

Aminado naman ang truck driver na si Bosotros na bawal kumaliwa sa nasabing intersection, pero matagal na umano niya itong ginagawa dahil lagi naman umano siyang dumadaan sa lugar.

Tatlo ang sugatan, kabilang ang driver ng SUV at dalawang sakay nito na pawang mga estudyante ng De La Salle University.

Dinala sa ospital ang mga sugatan na nagtamo ng mga minor injuries.

Posible namang maharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and multiple physical injury ang driver ng truck.

 


 

TAGS: accident, manila, Vehicular accident, accident, manila, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.