‘Transformers’ star Shia LaBeouf, inaresto sa anti-Trump protest

By Jay Dones January 27, 2017 - 04:18 AM

 

shia labeoufDinakip ng mga otoridad ang aktor na si Shia La Beouf matapos itong lumahok sa protesta laban sa bagong-upong pangulo ng Amerika na si Donald Trump.

Binitbit ng mga pulis ang aktor habang nagpoprotesta sa harap ng Museum of Moving Image sa Queens, New York habang sumisigaw ng mga katagang ‘He will not divide us’ na bumabatikos sa mga polisiyang isinusulong ni Trump na anila’y nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Amerikano.

Una rito, nakasagutan umano ng 30-anyos na aktor  ang isang lalake na nagresulta upang rumesponde ang mga pulis.

Nagsimulang magprotesta kontra Trump si LaBeouf at ilan pang artisa noong January 20, na araw ng inagurasyon ng bagong pangulo ng US.

Bago palayain, kinasuhan muna ang aktor ng misdemeanor assault at harssament at nakatakdang humarap sa korte sa April 4.

Sumikat si LaBeouf sa mga pelikulang ‘Transformers’, ‘Fury’ at ‘Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.