Isang pampasaherong taxi ang nasunog sa kanto ng Mabini at Pedro Gil sa Malate, Maynila

August 13, 2015 - 10:09 AM

11855511_885500958183130_960078819_n
Kuha ni Ruel Perez

Nasunog ang isang pampasaherong taxi sa kanto ng Mabini at Pedro Gil sa Malate, Maynila.

Ayon kay Ferdinand Padul, driver ng Diane & Kelsey Taxi na isang Toyota Vios at may plate number UYN 722, galing siya at ang pasaherong babae sa bahagi ng Delpan sa Tondo at patungo sana sa Pan Pacific Hotel.

Habang binabagtas ang bahagi ng Malate ay napansin ni Padul na umuusok an gang makina na sinundan agad ng pagliliyab.Nakaligtas naman si Padul at ang pasahero nito dahil mabilis silang nakababa ng taxi.

Tupok na tupok ang makina ng taxi at nadamay pati ang windshield, dashboard at front seat.

Hindi rin naisalba ni Padul ang kaniyang cellphone na nakapatong sa dashboard at ang boundary na nagkakahalaga ng P2,800 dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy./ Ruel Perez

TAGS: Diane & Kelsey Taxi, Diane & Kelsey Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.