Malacañang hindi idedeklarang holiday ang Miss Universe coronation day

malacanang-fb-07234
Inquirer file photo

Walang aasahang long weekend ang publiko ngayong linggong ito.

Ito ay dahil sa hindi magdedeklara ng holiday ang Palasyo ng Malacañang sa January 27 o bisperas ng Chinese New Year.

Base sa ipinalabas na statement ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na regular working day ang naturang mga petsa.

Hindi rin magdedeklara ng holiday ang Malacañang sa January 30 para naman sa araw ng Miss Universe coronation day na gaganapin sa Mall of Asia sa Pasay City.

Taliwas din ito sa panawagan ng publiko na magdeklara ng holiday para mapanood ang prestihiyosong beauty pageant.

Magugunitang sa Kamara ay ipinanukala rin ng ilang mambabatas na ideklarang holiday ang January 30 para bigyang-daan ang publiko na mapanood ang Miss Universe pageant.

Read more...