Abu Sayyaf Group kinilala na bilang kaalyado ng ISIS

By Ruel Perez January 26, 2017 - 04:14 PM

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirer
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) na opisyal nang kinikilala ng international terror group na ISIS si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang ISIS pa umano ang lumapit kay Hapilon sa layong magtayo ng base of operations sa bansa.

Paliwanag ni Lorenzana, na pressure na umano ang ISIS sa kampanya laban sa kanila sa Syria kung kaya naghahanap na sila ng ibang mga lugar sa labas ng kanilang rehiyon upang maging sentro ng kanilang operasyon.

Sa monitoring ng AFP intelligence, umalis na umano si Hapilon ng Basilan noong Disyember patungong Lanao Del Sur upang maghanap ng pwedeng pagkutaan ng ISIS.

Sa kasalukuyan ay mayroon na umanong alyansa si Hapilon sa Maute terror group na siya ngayong nagbibigay ng proteksyon sa Lanao provinces sa naturang leader ng ASG.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, hapilon, ISIS, Abu Sayyaf, AFP, hapilon, ISIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.