Emosyonal na nag-alay ng bulaklak at panalangin ang dalawang Korean nationals na kababayan ng napatay na kidnap victim na si Jee Ick Joo sa loob ng Camp Crame.
Pasado alas-dos ng hapon ng dumating sa Campo Crame sina Charlie Shin, Executive Vice President ng United Korean Community Association in the Philippines at kasamang si Park Byung Dae.
Bitbit nang dalawa Koreans ang dalawang bungkos ng bulaklak na inilagak sa mismong spot o lugar kung saan diumano napatay si Jee Ick Joo.
Hindi naman napigil ni Shin ang pag-agos nang kanyang luha dahil sa sentimiento at awa sa kababayang pinatay sa loob mismo ng Campo Crame ilang hakbang lamang ang layo sa opisina ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na titiyakin nilang mabibigyan ng hustisya ang pagdukot at pagpatay kay Jee.