Kasambahay ni Jee Ick Joo dapat imbestigahan ayon kay De Lima

By Den Macaranas January 26, 2017 - 03:58 PM

marissa dawisInteresado si Sen. Leila De Lima na maimbestigahan si Marissa Dawis-Morquicho, ang kasambahay ni Jee Ick Joo na dinukot rin kasama ng kanyang amo noong October 18, 2016 sa Angeles City sa Pampanga.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay napag-alamang naging kasambahay lamang nina Jee si Morquicho noong October 17, 2016 o isang araw bago dinukot ng mga pulis ang nasabing Korean national.

Sa kanyang nauna nang testimonya ay hindi isinabit ni Morquicho ang pangunahing suspek sa krimen na si SPO3 Ricky Sta. Isabel pero sa kanyang sumunod na affidavit ay isinabit na niya ito.

Sa pagtatanong ng mga senador, sinabi ng misis ni Jee na si Choi Kyung-Jin na isang Koreano rin ang nagrekomenda kaya nila kinuha si Morquicho.

Magugunitang sinabi ni Sta. Isabel sa kanyang testimonya na naawa siya sa nasabing kasambahay kaya niya ito hindi pinatay tulad ng naging utos sa kanya ni PNP Anti-Illegal Drugs Group Director Rafael Dumlao.

Ipinaliwanag rin ni Sta. Isabel na binigyan pa niya ng P1,000 si Morquicho nang ito ay kanyang pawalan sa area ng Cubao sa Quezon City.

Sinabi naman ni De Lima na kailangan ding mag-isip minsan ng marumi dahil baka may kaugnayan ang kasambahay sa pagdukot sa kanyang amo.

TAGS: AIDG, Jee Ick Joo, marissa dawis-morquicho, PNP, Senate, AIDG, Jee Ick Joo, marissa dawis-morquicho, PNP, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.