P6M halaga ng sex toys, nakumpiska sa Quiapo

BOC PHOTO
BOC PHOTO
Tinatayang aabot sa anim na milyong pisong halaga ng mga sex toys at sex enhancement products ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Padilla St., Quaipo, Maynila.

Ayon kay Customs Spokesperson Niel Anthony Estrella, naabutan ng mga tauhan ng BOC na ibinababa sa isang container van ang mga ito at nang siyasatain ay walang maipakitang import permit.

Bukod sa mga sex toys nakumpiska rin sa operasyon ang mga kahon-kahong appliances at sako-sakong bigas.

Nakaconsign ang mga nasabat na kargamento sa Elsprocon Trading na may address sa Room 228B/F-Regina Building, Escolta Street, 27 Binondo, Manila.

Nakilala naman ang customs broker na si Brix D. Evale na resdente ng Sta. Rosa city, Laguna.

Read more...