Binitay na OFW sa Kuwait, nailibing na

By Len Montaño January 26, 2017 - 12:33 PM

JAKATIA PAWANailibing na ang Pinay OFW na si Jakatia Pawa matapos itong bitayin sa Kuwait.

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa na agad inilibing si Pawa sa isang sementeryo sa Kuwait.

Dinala aniya ang mga labi ng OFW sa isang prayer hall kung saan ilang Kuwaiti ang nakiramay din.

Pagkatapos ay dinala ang mga labi ni Pawa sa libingan at naroroon ang mga opisyal ng embahada ng Piliipnas habang ginagawa ang paglilibing.

Tiniyak ng ambassador na naging maayos ang paglilibing kay Jakatia at ang agarang paglilibing ay alinsunod sa Islam tradition.

Hinatulan si Pawa ng kamatayan noong 2007 dahial sa pagpatay umano sa anak ng kanyang employer.

Nagpadala na ang embahada ng mga litrato ng libing ni Pawa sa Department of Foreign Affairs.

TAGS: jakatia pawa, kuwait, ofw, jakatia pawa, kuwait, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.