Asawa ng Korean businessman na si Jee Ick-joo nakaharap ang suspek na si SPO3 Sta. Isabel sa Senate hearing

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio January 26, 2017 - 11:21 AM

Inquirer Photo / Tarra Quismundo
Inquirer Photo / Tarra Quismundo

Nagkaharap sa isinagawang pagdinig sa senado ang asawa ng nasawing South Korean businessman na si Jee Ick-joo at ang umano’y suspek sa pagpatay na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Inquirer Photo / Tarra Quismundo
Inquirer Photo / Tarra Quismundo

Kapwa imbitado at dumalo bilang resource persons sina Choi Kyung-jin, at Sta. Isabel sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Present din sa pagdinig sina PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, at ang superior ni Sta. Isabel na si Supt. Raphael Dumlao ng Anti-Illegal Drugs Group ng PNP.

Bago simulan ang pagtatanong ng mga senador, inilahad muna ni Supt. Dennis Wagas, legal officer ng PNP-AKG ang timeline ng insidente mula nang maganap ang pagdukot kay Jee noong Oct. 18, 2016.

Humarap din sa pagdinig bilang resource person si Marisa Morquicho, ang kasambahay ng pamilya jee na kasamang dinukot noong Oktubre pero kalaunan ay pinakawalan din. Sa kaniyang pahayag, kinumpirma ni Morquicho sa senado na si Sta. Isabel ang pumasok sa bahay sa Angeles City at kumuha sa biktima noong October 18. Positibo rin na tinukoy ni Morquicho na si Sta. Isabel ang nag-withdraw ng pera sa ATM matapos kunin sa kaniyang babay si Kee.

 

 

TAGS: Jee Ick Joo, senate inquiry, Jee Ick Joo, senate inquiry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.