Nag-amok na jail guard, patay sa rumespondeng pulis sa Malabon

police-line-0815Nasawi ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa Malabon City.

Sugatan naman ang pulis na si PO1 Dennis Solis, 27-anyos dahil sa tinamong tama sa kaliwang bahagi ng dibdib na tumagos sa kanyang braso.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Malabon City Police na nagpapatrulya si Solis at partner nitong si PO1 Sherwin Sandy Benico sakay ng mobile car at habang binabagtas nila ang Gov. Pascual Avenue papunta ng Hernandez St., Brgy. Catmon, Malabon.

Sinalubong umano ang patrol car ng isang residente para ipagbigay-alam ang pagwawala at panunutok ng baril ni JO2 Rommel Kindipan.

Agad pinuntahan ng dalawang pulis ang lugar ngunit binaril ng suspek ang patrol car at tinamaan si PO1 Solis.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan si Kindipan.

Naisugod pa sa pagamutang bayan ng Malabon si Kindipan, inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center at doon na siya binawian ng buhay.

 

Read more...