Kuwaiti Prince kabilang sa binitay kahapon sa Kuwait
Kasabay ng pagbitay kahapon sa Overseas Filipino Worker na si Jakatia Pawa, anim na iba pang nahatulan sa magkakaibang kaso ang binitay din kahapon sa Kuwait.
Kabilang dito ang isang prinsipe sa Kuwait na nahatulan sa kasong murder.
Si Prince Sheikh Faisal Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ay binitay sa pamamagitan ng pagbigti sa central prison sa Kuwait kahapon at ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na mayroong nabitan na miyembro ng royal family sa nasabing bansa.
Ang nasabing prinsipe ay hinatulan ng kamatayan noong taong 2010 dahil sa pagpatay sa kaniyang pamangkin na isa ring prinsipe.
Maliban sa Pinay at sa nasabing prinsipe, isang Kuwaiti woman ang binitay din kahapon na ang kaso naman ay may kaugnayan sa pagpatay niya sa mahigit 40 katao.
Si Nusra al-Enezi, ay napatunayang guilty matapos na sunugin nito ang tent habang nagananap ang kasal ng kaniyang mister sa ikalawang asawa nito. Nasawi sa nasabing sunog ang mahigit 40 bisita.
Ang iba pang binitay kahapon sa Kuwait ay kinabibilangan ng tatlong lalaki at isa pang babae na mula sa Bangladesh, Egypt at Ethiopia.
Mula noong 2013, ngayon lamang ulit nagkaroon ng execution sa Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.