Gawaan ng eco-bag, nasunog sa Pasig City; tindahan ng electronics natupok din sa Quiapo Maynila

By Cyrille Cupino, Dona Dominguez-Cargullo January 26, 2017 - 06:36 AM

fireTinupok ng apoy ang opisina ng isang foundation sa C. Santos Street sa Brgy Ugong Pasig City.

Nagsimula ang sunog alas 4:20 ng umaga ng Huwebes, January 26 sa opisina ng “Kilus Foundation” na gumagawa ng mga eco-bacg.

Ilang minuto ang nakararaan, agad itong itinaas sa 2nd alarm.

Naging mabilis naman ang pagresponde ng mga bumbero at alas 5:52 ay idineklara nang fire under control ang sunog.

Samantala, kagabi, isang tindahan naman ng electronic supplies ang tinupok ng apoy sa Quiapo Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 10:55 ng gabi sa Don Juan Santos Building.

Agad naman nirespondehan ng mga bumbero ang sunog para hindi na kumalat pa ang apoy.

Makalipas lamang ang halos dalawampung minuto, tuluyan nang naapula ang sunog.

Inaalam pa naman ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng apoy, at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

Umabot lamang sa unang alarma ang nasabing sunog sa Quiapo, Maynila.

 

TAGS: fire incident, Pasig City, Quiapo Manila, fire incident, Pasig City, Quiapo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.