Pagtatayo ng pader sa Mexico-US border, iniutos na ni Trump

By Kabie Aenlle January 26, 2017 - 04:03 AM

 

File photo

Nilagdaan na ni US President Donald Trump ang isang executive order na nag-uutos na magtayo ng isang “impassable physical barrier” sa kahabaan ng border sa pagitan ng US at ng Mexico.

Matatandaang isa ang pagtatayo ng 2,000-mile border sa mga pangako ni Trump noong nangangampanya pa lamang siya, na lubha namang binatikos ng marami partikular na ng mga Mexicano.

Habang pinipirmahan niya ang naturang kautusan, sinabi ni Trump na kaya niya ito ginawa dahil sa krisis sa southern US border.

Aniya pa, “a nation without borders is not a nation,” ang ang kaniyang paglagda sa kautusan ay isang hakbang para mabalik sa US ang control sa kanilang mga borders.

Sa isa namang panayam, sinabi ni Trump na “absolutely, 100%” na babayaran ng Mexico ang US sa pagpapatayo ng nasabing pader.

Pinirmahan rin ni Trump ang isang hakbang na magtatanggal ng pondo sa mga lungsod sa US na nagiging santuwaryo ng mga undocumented immigrants.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.