Water Interruption sa Aug. 17 at 18 hindi na tuloy ayon sa Maynilad

August 13, 2015 - 08:45 AM

11830113_884075158325710_1981572550_n
File Photo / Ruel Perez

Hindi na matutuloy ang ikalawang yugto ng water interruption ng Maynilad sa malaking bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Cavite.

Ang ikalawang bahagi ng water interruption ay ipatutupad sana ng Maynilad sa August 17 at 18, 2015.

Ayon kay Madel Zaide, media relations officer ng Maynilad, patapos na ang ginagawang nilang realignment ng malaking water pipeline sa bahagi ng Hermosa at Juan Luna St. sa Tondo Maynila.

Dahil dito, sinabi ni Zaide na wala nang mararanasang rotational water interruption ang kanilang mga customers sa August 17 at 18.

Ayon pa kay Zaide, naibalik na rin sa normal ang suplay ng tubig sa halos lahat ng customers ng Maynilad.

Una nang sinabi sa Radyo Inquirer ni Maynilad spokesperson Grace Laxa na inaasahan nilang matatapos ng maaga kaysa sa itinakdang schedule ang ginagawa nilang realignment.

Nasa ika-apat na araw na ngayon ng pagsasaayos ng linya ang Maynilad sa bahagi ng Tondo sa Maynila. / Ruel Perez

TAGS: maynilad, water interruption, maynilad, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.