Sapul sa CCTV ang walang-awang pagpatay sa isang barangay chairman sa J.P. Rizal, Tondo, Maynila.
Kitang-kita sa camera ang malapitang pagbaril ng riding-in-tandem kay Chairman Tito Caldoza Jr., 64-anyos sa tapat mismo ng Brgy Hall ng Brgy. 106, Zone 8.
Makikita sa kuha ng CCTV na nakaupo at nakikipag-kwentuhan lamang ang biktima sa kanyang mga kasamahan nang dumaan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.
Bgy. Chairman pinatay ng riding-in-tandem sa Tondo, Manila | @CyrilleCupino pic.twitter.com/B73fDTdMbw
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 25, 2017
Huminto sandali sa harapan ng kapitan ang mga suspect na nakasuot ng helmet at bonnet, saka dalawang beses na pinaputukan ang biktima.
Pero, nakatatanggap na rin umano ito ng mga death threats dahil sa mga pinakulong nito na sangkot sa droga.
Nagawa pang isugod sa Tondo General Hospital ang biktima, pero binawian rin ito ng buhay matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.
Nanghihinayang naman ang mga kabarangay sa pagkamatay ng biktima dahil mabait naman umano ito, at walang kaaway.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay.