Ombudsman, kinwestyon kung bakit ngayon lang isinampa ang reklamo vs Purisima at Napeñas

By Kabie Aenlle January 26, 2017 - 04:01 AM

 

Inquirer file photo

Pinagpapaliwanag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang chief records officer ng Office of the Special Prosecutor kung bakit inabot ng pitong buwan bago nakarating sa Sandiganbayan ang mga kasong may kaugnayan sa Mamasapano incident.

Ayon kay Morales, nakatakda nang ihain ang mga kasong kriminal laban sa pinatalsik na Philippine National Police (PNP) Dir. Gen. Alan Purisima at kay dating Special Action Forces (SAF) Director Getulio Napeñas noon pang Hunyo ng nakaraang taon.

Gayunman, umabot ang mga kasong usurpation of authority at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay umabot sa korte noon lamang Martes, isang araw bago ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano incident.

Dahil dito, naglabas si Morales ng show-cause order para sa chief records officer para ipaliwanag kung bakit hindi nagawa sa itinakdang panahon ang pagsasampa ng kaso.

Aminado naman si Morales na nitong linggo lang na ito nila nalaman na naantala ang pagsasampa ng kaso, matapos humingi ng updates tungkol dito ang isang mamamahayag.

Nang malaman niya ito, agad niyang inatasan ang opisyal na magpaliwanag sa loob ng 24 oras kung bakit hindi siya dapat managot sa pagkaantala ng pagsasampa ng mga kasong ito.

Inilabas ni Morales ang kaniyang resolusyon para kasuhan sina Purisima at Napeñas noon pang Abril, at makalipas ang dalawang buwan, ibinasura niya ang mosyon na nais ipabaliktad ang desisyong ito.

Samantala, tinitingnan pa naman aniya nila kung isolated incident lang ang nasabing pagkakaantala ng pagsasampa ng kaso.

Napag-alaman naman ng Inquirer na ang tinutukoy ni Morales ay si Alma Cagat-Cagat na dating records officer at ngayon ay isa nang prosecutor.

Posible aniyang maimbestigahan si Cagat-Cagat para sa pananagutang administratibo at kriminal sakaling hindi katanggap-tanggap ang kaniyang magiging paliwanag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.