Klase sa ilang bahagi ng Maynila, suspendido para sa bisperas ng Chinese New Year
Naglabas na si Manila Mayor Joseph Estrada ng Executive Order No. 2 na nag-aanunsyo sa suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga unibersidad, kolehiyo at paaralan sa District 3 ng Maynila sa Biyernes, January 27.
Sakop ng District 3 ng Maynila ang mga lugar ng Binondo, Sta. Cruz at Quiapo.
Bukod sa mga klase, sinuspinde rin ang pasok sa mga government offices sa araw na iyon, maliban na lamang kung sila ay may kinalaman sa pagpapanatili ng peace and order, traffic enforcement, disaster and risk reduction, pati na ang mga nagtatrabaho sa health and sanitation.
Ipapatupad ni Estrada ang nasabing suspensyon sa klase at trabaho para sa kaayusan ng publiko, kaligtasan, convenience, at pati na rin para mabawasan ang sikip ng daloy ng trapiko.
Ang araw mismo ng Chinese New Year ay sa January 28 pero ipatutupad ang suspensyon sa Biyernes, January 27 na bisperas ng kanilang bagong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.