Tinanggalan ng isang Olympic gold medal ang Jamaican sprinter na si Usain Bolt nang magpositibo sa paggamit ng illegal substance o methylhexaneamine ang teammate nito na si Nesta Carter.
Ang dalawa ay naging teammate sa 4×100-metre relay noong 2008 sa Beijing Olympic Games.
Ito ang inilahad ng International Olypmic Committee o IOC sa isinagawang re-analysis ng samples noong Beijing Olympics.
Ayon sa pagsusuri, ang ‘methylhexaneamine’ ay dating ginagamit bilang nasal decongestant o sipon na kalaunan ay ginagamit na bilang dietary supplements.
Sa pagkuha ng medalya ni bolt, nabura na ang record nito na “triple triples” na kung saan ay nasungkit niya sa Beijing ang gold medals sa 100m, 200 at 4x100m relay na naulit noong 2012 sa London Olympics at naulit muli noong nakaraang taon sa Rio games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.