Umano’y drug trader sa Davao City, pinatawan ng parusang kamatayan ng NPA

 

Maging ang New People’s Army (NPA) ay nagpapataw na rin ng kaparusahan sa mga sangkot umano sa iligal na droga.

Inanunsyo ni Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng NPA-Southern Mindanao na kanilang pinatawan ng parusang kamatayan nitong nakalipas na Lunes ang isang nagngangalang Neptali Alfredo Pondoc, 37 anyos na nakatira sa Taboan, Bgy. Malabog, Paquibato District sa Davao City.

Ayon kay Sanchez, pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Pulang Bagani Battalion ang pagpatay kay Pondoc dahil sa talamak nito umanong pagbebenta ng droga sa kanilang lugar.

Sangkot aniya si Pondoc sa sindikato na nagpapakalat ng shabu sa Diwalwal sa Monkayo, Compostela Valley hanggang sa Panabo City, Paquibato at Calinan sa Davao City.

Kumilos aniya ang kanilang grupo batay sa inilabas na arrest warrant na inisyu ng korte laban dito.

Nang salakayin aniya ng kanilang grupo ang farm ni Pondoc, nakarekober ang mga ito ng mga timabangan at iba pang drug paraphernalia sa pagre-repack ng shabu.

Read more...