Mga anak ng binitay na Pinay sa Kuwait, tatanggap ng full scholarship

 

Magbibigay ang Overseas Workers Welfare Association (OWWA) ng full scholarships sa mga anak ng Pinay OFW na binitay sa Kuwait na si Jakatia Pawa.

Ayon kay OWWA Regional Director Hassan Jumdain, ibibigay nila lahat ng pangangailangan ng pamilya ni Jakatia partikular ng kanyang dalawang anak.

Inirekomenda aniya nito kay OWWA Administrator Hans Cacdac ang pagbibigay ng full scholarship sa mga anak ni Jakatia.

Agad naman aniyang sinang-ayunan ni Cacdac ang kanyang rekomendasyon at sinabing makakaasa ang pamilya ni Pawa na tutulungan nila ito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na inutusan na din niya ang OWWA na bilisan ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ni Pawa.

Bukod sa college scholarship, bibigyan din ang pamilya ni Jakatia ng P120,000 financial assistance, kasama na ang P20,000 funeral assistance.

Read more...