Ayon sa isang pag-aaral, malaki ang posibilidad na siya na ang kauna-unahang magiging ‘trillionaire’ sa loob ng susunod na 25 taon.
Ayon sa Oxfam International report na tinawag na “An Economy for the 99 percent,” lumago ang yaman ng Microsoft founder ng 11 percent clip per year mula noong 2009, at hindi ito nakikitaan ng pagbagal.
Sa tantya ng Forbes, dahil naitala ang net worth ni Gates na nasa 78.7 billion dollars noong August 2016, posibleng maabot na niya ang trillionaire status pagtungtong niya ng 86 years old.
Nang umalis siya sa Microsoft noong 2006, naitala na ang net worth niya sa 50 billion dollars at malaki pa ang itinaas nito sa loob ng nagdaang dekada.
Bukod sa mga charities na kaniyang pinapatakbo sa pamamagitan ng sarili niyang foundation, ginugugol rin ni Gates ang kaniyang oras at yaman sa pag-sugpo sa mga infectious diseases at pagpapaunlad sa edukasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Tinatayang nag-donate rin siya ng mahigit 28 billion dollars sa Bill and Melinda Gates Foundation.
Dagdag pa dito, isa rin siyang founding member ng The Giving Pledge na isang grupong binubuo ng pinakamaya-yamang indibidwal sa buong mundo na nangakong ipamimigay ang kalahati ng kanilang net worth.
Samantala, dagdag pang kaalaman, sa ngayon ay hindi pa kinikilala bilang isang official word sa dictionary ang salitang “trillionaire” dahil wala pang nakakaabot sa ganitong estado sa kasalukuyan.