Malacañang nagpahatid na ng pakikiramay sa pamilya ni Jakatia Pawa

By Chona Yu January 25, 2017 - 04:40 PM

malacanang-fb-07234
Inquirer file photo

Ikinalungkot ng Malacañang ang pagbitay ng Kuwaiti government sa Pinay OFW na si si Jakatia Pawa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para maibigay ang lahat ng legal rights ni Pawa.

Sinabi pa ni Abella na ginamit din ng gobyerno ang lahat ng paraan kabilang na ang diplomatic means para iligtas sa kamatayan ang nasabing OFW.

Gayunman, hindi na umano mapigilan ang pagbitay kay Pawa base na rin sa nakasaad sa batas ng Kuwait.

Sa ngayon ayon kay Abella, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa pamilya Pawa para matulungan ang mga ito.

Ayon kay Abella, ipinagdarasal ng Malacañang si Pawa at ang kanyang buong pamilya.

Kamakailan lang ay sumulat si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng Kuwait sa pag-asang maisasalba sa death row si Pawa.

TAGS: abella, jakatia pawa, kuwait, Malakanyang, abella, jakatia pawa, kuwait, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.