Senado nakatutok sa kapalaran ng Pinay OFW na nasa death row sa Kuwait

By Jan Escosio January 25, 2017 - 03:23 PM

jakatia1
Photo: Jan Escosio

Sa isinasagawang pagdinig ngayon ng committee on labor sa Senado ay nabanggit ni Sen. Joel Villanueva ang nakatakdang pagbitay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jakatia Pawa sa bansang Kuwait.

Nakibalita si Villanueva sa mga labor at foreign affairs officials na dumalo sa pagdinig sa Senado kaugnay sa kanilang pagmonitor sa kaso ni Pawa.

Aniya may mga impormasyon na natuloy ang pagbitay bagamat wala pa itong kumpirmasyon.

Inaasahan naman na maglalabas kaagad ng balita ang Department of Foreign Affairs kung sakaling matuloy man o hindi ang pagbitay kay Pawa.

Si Pawa ay nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa pagpatay sa anak ng kanyang amo noong April 13, 2008 at noong January 19, 2010 ay pinagtibay ng itinuturing na Supreme Court sa Kuwait ang naging desisyon ng mababang hukuman.

Nauna nang sinabi ng mga kaanak ni Pawa na ang mismong amo niya ang pumatay sa sarili nitong anak na babae makaraang mahuling nakikipagtalik sa kanyang kasintahan noong 2007.

TAGS: jakatia pawa, Senate, Villanueva, jakatia pawa, Senate, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.