Pinuno ng Angeles City PNP sinibak dahil sa hulidap

angeles-city-mapSinibak na rin sa pwesto epektibo ngayong araw ang Chief of Police sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga matapos ang abduction at umanoy extortion ng mga pulis sa mga Korean nationals noong December 30, 2016.

Ayon kay PNP Region 3 Director C/Supt. Aaron Aquino, inalis sa pwesto si S/Supt. Sidney Villaflor dahil sa prinsipyo ng command responsibility.

Pansamantalang papalit kay Villafor si S/Supt. Jose Hidalgo Jr.

Nauna nang sinibak sa kanilang posisyon ng pamunuan ng PNP Regional Office 3 ang siyam na mga pulis mula sa Station 5 ng Angeles City PNP na sina:

  1. PO3 Arnold Nagayo;
  2. PO3 Roentjen Domingo;
  3. PO2 Richard King Agapito;
  4. PO2 Ruben Rodriguez;
  5. PO3 Gomerson Evangelista;
  6. PO1 Jayson Ibe
  7. PO1 Mark Joseph Pineda

Sinibak rin sa pwesto ang pinuno ng Angeles City Police Station 5 Commander na si Chief Inspector Wendel Arinas at ang kanyang deputy na si Senior Inspector Rolando Yutuc.

Base sa reklamo ng mga biktima, hindi umano sila residente ng Pilipinas at nagpunta lamang sila sa bansa para magbakasyon nang sila’y hulihin ng mga pulis at isangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Read more...