(updated) Nasa 44 na ang bilang ng nasawi samantalang daan-daan ang isinugod sa ospital matapos ang naganap na pagsabog sa isang warehouse sa Northern Chinese Port City na Tianjin.
Batay sa ulat, sumabog ang isang kargamento na naglalaman ng mga pambasabog.
Sa lakas ng dalawang magkasunod na pagsabog naramdaman ang pagyanig sa mga kabahayan malapit sa lugar na unang inakala ng mga residente na dulot ng lindol.
Umabot na sa 300 hanggang 400 na katao ang dinala sa pagamutan sa Tianjin.
Ayon sa isa sa mga residente na nakatira apat na kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng pagsabog, wasak ang mga glass window sa kaniyang unit na nasa 5th floor ng gusali. “Nang maganap ang unang pagsabog, akala naming ay lumindol na. Nayanig ang buong gusali. Nakatira ako sa ika-limang palapag at basag ang lahat ng salamin ng bintana,” kuwento ng isang Chen Bingzhi.
Karamihan sa mga nasugatan ay tinamaan ng mga tumalsik na debris gaya ng mga glass door at bintana./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.