Pinay OFW nakatakdang bitayin sa Kuwait anumang oras

By Den Macaranas January 25, 2017 - 02:47 PM

jakatiapawa
Photo: Migrante

Anumang oras mula ngayon ay nakatakda nang bitayin sa bansang Kuwait ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jakatia Pawa.

Kaugnay nito ay umapela ng panalangin sa publiko ang kapatid ng 32-anyos na OFW na si Air Force Lt. Col. Angaris Pawa.

Sinabi ng opisyal na kaninang umaga ay tumawag sa kanila ang kanyang kapatid na si Jakatia at sinabi nito na nakatakda siyang bitayin sa mga susunod na oras kasama ang dalawa pang death convicts.

Kaagad namang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang nasabing ulat at pati sila ay nabigla sa pangyayari.

Noong May 14, 2007 ay hinuli ng mga pulis sa Kuwait si Pawa makaraan umano niyang patayin sa pamamagitan ng pananaksak ang 22-anyos na anak na babae ng kanyang employer.

Umabot sa dalawampu’t walong tama ng saksak ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Noong 2007 ay hinatulan ng parusang kamatayan si Pawa ng Court of First Instance ng Kuwait na pinagtibay naman ng kanilang Court of Cassation noong April 13, 2008.

Sinabi ni Pawa sa kanyang argumento na hindi nakita sa crime scene ang kanyang finger prints at hindi rin tumugma sa kanyang blood type ang sinasabing patay ng dugo na ipinapalagay na galing sa suspek sa krimen.

Kamakailan ay sumulat na rin sa pamahalaan ng Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabaka-sakaling mailigtas sa death row si Pawa.

TAGS: DFA, duterte, jakatia pawa, ofw, DFA, duterte, jakatia pawa, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.