Lugar na pagdarausan ng coronation para sa Miss Universe 2016, ininspeksyon ng DOT at NCRPO

By Erwin Aguilon January 25, 2017 - 12:37 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi magkakaroon ng pagputol ng signal ng cellphone sa coronation ng Miss Universe 2016.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, kailangan ng komunikasyon ng lahat maging ng mga kandidata na magte-text o tatawag sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Albayalde na nagkaroon ng hindi magandang experience noong nagtungo ang mga kandidata sa Cebu dahil sa nawalan ng linya ng komunikasyon.

Siniguro din ni Albayalde na walang banta ng terorismo sa okasyon.

Nasa mahigit 2,000 pulis, militar at coast guard naman ang ipapakalat sa loob at labas ng Mall of Asia Arena sa January 30.

Simula bukas ay maglalagay na rion ng checkpoint ang pulisya sa lahat ng papasok at palabas ng SM Mall of Asia.

Samantala, limang high-tech na X-ray machines ang inilagay sa mga entrada ng nasabing mall.

Ayon kay Tourism Asec. Ricky Alegre, ang mga pasilidad ay ipinahiram sa kanila ng Asian Development Bank na kayang ma-detect ang anumang ipipinagbabawal na bagay na tatangkaing ipasok sa mall.

Nagsagawa ng dry-run ang pulisya para sa seguridad na kanilang ilalatag sa Lunes sa mismong araw ng pageant.

Ipinasilip din sa media ang mismong stage na gagamitin na ngayon ay sinisimulan nang ayusan.

Masaya naman ang pinuno ng NCRPO sa security preparations.

 

TAGS: miss universe, MOA, NCRPO, security preparation, SM Mall of Asia, miss universe, MOA, NCRPO, security preparation, SM Mall of Asia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.