Biyahe ng MRT nagka-aberya, mga pasahero pinababa sa Ortigas station

Nakaranas muli ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit ngayong umaga ng Miyerkules.

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, pinababa ang mga pasahero ng isang tren sa bahagi ng Ortigas station southbound kaninang alas 8:41 ng umaga.

Ito ay matapos na makaranas ng technical problem ang nasabing tren.

Agad namang napasakay sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

 

Read more...