3 patay sa buy-bust sa Maynila; 1 naman ang nasawi sa pamamaril sa QC

By Jong Manlapaz January 25, 2017 - 08:41 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Apat ang nasawi sa nakalipas na magdamag sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila at insidente naman ng pamamaril sa Sauyo Road sa Quezon City.

Sa Maynila, isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga tauhan ng Sta. Ana police sa bahagi ng Benita compound na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong suspek.

Ang mga napatay na suspek ay kinilala ni Chief Inspector Jesus Respes, deputy station commander ng Sta. Ana police station na sina Leo, Crisanto at Joshua Merced.

Pawang magkakamag-anak ang tatlo at miyembro umano ng “Merced robbery hold-up gang”.

Isang poseur-buyer ang nagpanggap na bibili ng P200 na halaga ng shabu kay Joshua madaling araw ng MIyerkules, pero nakatunog ito na pulis ang kanilang ka-transaksyon at nauwi na sa barilan ang insidente.

Nadala pa sa ospital ang magkakamag-anak pero dineklara ding dead on arrival.

Labing anim na sachet ng hinihinalang shabu, tatlong hindi pa matukoy na kalibre ng baril, at mga drug paraphernalia ang nakuha ng mga pulis sa crime scene.

Samantala, sa Quezon City, nasa dalawang buwan pa lamang nakakalaya mula sa pagkakakulong ng tatlong taon sa Quezon City Jail si Rodel Rodrigueza alyas “Peter” dahil sa kasong pagtutulak ng bawal na gamot ay napatay ito habang nakaupo at naghihintay ng mga truck ng basura sa Sauyo road.

Ayon sa tanod at bayaw ng biktima na si Benhur Osma, pansamantala tinulungan siya ng kanyang bayaw sa kanyang trabaho sa barangay sa paglilista ng mga truck ng basura na dumaan sa kanilang lugar.

Ito aniya ang dahilan kaya gising ang biktima alas 2:00 ng madaling araw.

Sinabi pa ni Osma na mga sakay umano ng kotse ang mga suspek na bumaril sa kanyang bayaw, na sa dami ng pinaulanang bala halos maputol na ang kanan kamay nito.

Sa crime scene nakakuha ang mga pulis ng walong basyo ng caliber 45./ Jong Manlapaz

 

TAGS: buy bust operation, sauyo road, Shooting Incident, sta ana manila, buy bust operation, sauyo road, Shooting Incident, sta ana manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.