11 drug suspects, arestado sa Oplan Galugad sa Tondo, Maynila
Naaresto sa isinagawang Oplan Galugad sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo Maynila ang aabot sa labing isang drug suspects.
Isinagawa ang Oplan Galugad sa bahagi ng Hermosa, Capulong, Pacheco at Raxabago.
Ayon kay Manila Police District Station 1 Commander Supt. Robert Domingo, ang mga suspek na dinakip ay pawang naaktuhan na gumagamit ng bawal na gamot.
Nakilala ang dalawa sa labingisang suspek na sina Chilito Roque at Charles Cruz na galing pa umano ng Malabon at dumayo sa Tondo para lang bumii ng droga.
Ang ibang naaresto ay katatapos lamang gumamit o naaktuhan umanong gumagamit ng shabu o marijuana.
Dinala na sa presinto ang mga nadakip na suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.