Bilang ng nasawi sa avalanche sa Italy, umabot na sa 14

By Kabie Aenlle January 25, 2017 - 04:16 AM

hotel avalanche italyUmakyat na sa labing-apat ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong hotel sa central Italy matapos mabagsakan ng avalanche noong nakaraang linggo.

Ito’y matapos pang mahukay ng mga rescue workers ang bangkay ng tatlo pang lalaki at dalawang babae, ilang oras bago magsagawa ang mga pamilya ng mga biktima ng unang funerals para sa mga nasawi sa avalanche.

Sa ngayon ay labing isang katao ang na-rescue na mula sa loob at paligid ng hotel sa Gran Sasso national park, at ang ilan sa kanila ay nag-survive sa ilalim ng mga yelo at debris sa loob ng dalawang araw.

Gayunman, may 15 katao pang nawawala matapos gumuho ang isang malaking tipak ng snow sa apat na palapag na gusali noong Miyerkules, ilang oras matapos yanigin ng lindol ang kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.