Dalawang holdaper, arestado sa Caloocan

By Jong Manlapaz January 25, 2017 - 04:26 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang dalawang notorious na holdaper at pusher sa Caloocan City matapos rumesponde sa isang alarma ang mga pulis sa Bagong Barrio, Caloocan.

Kinilala ni Caloocan Assistant Chief for Operation SSupt. Ferdinand del Rosario ang dalawang naaresto na sila Brandon Lee, 19 yrs old, isang construction worker at Lito Reyes, 37 yrs. Old, isa namang barker.

Ayon kay Del Rosario, nahuli ang dalawa sa bahay ni Reyes sa no. 357 BMBA compound, Brgy. 120 Caloocan City, matapos na rumesponde ang mga pulis ng Police Comunity Precinct 1 sa Bagong Barrio sa isang sumbong na sangkot ang dalawa sa patuloy na holdapan, pagtutulak ng bawal na gamot, pagpatay at basag-kotse sa kalapit na barangay.

Isang pulis naman ang nabalian ng buto matapos na mahulog sa ikalawang palapag ng bahay dahil sa pagpupumiglas ng mga suspek.

Ang dalawang suspek ay kapwa nasa drug watchlist at hawak na ngayon ng PCP 1 at posibleng maharap sa patung-patong na kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.