Mga EJK sa Pilipinas, magiging tampok na isyu sa Geneva human rights meeting

 

Inaasahang magiging sentro ng usapin ng mga human rights activists ang Pilipinas sa magaganap na international summit sa Geneva, Switzerland sa susunod na buwan.

Ito’y dahil naimbitahan bilang speaker sa ika-siyam na Geneva Summit for Human Rights and Democracy sa February 21 sa Switzerland si Commission on Human Rights Chairman Jose Luis Gascon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naimbitahan ang isang human rights advocate mula sa Pilipinas na magsalita sa taunang pagpupulong.

Sa naturang okasyon, magkikita-kita ang daan-daang mga human rights advocates, leaders, mga diplomats at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor upang bigyang pansin ang mga kaso ng human rights violations sa mundo.

Matatandaang makailang ulit na ring pinuna ni Gascon ang mga nagaganap na extrajudicial killings sa bansa mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Binatikos rin ng Pangulo si Gascon at ang CHR dahil sa umano’y pakiki-alam nito sa kanyang pinaigting na kampanya kontra droga.

Nagkairingan rin sina Duterte at CHR dahil diumano sa pagdiskaril ng pangulo sa nakatakda sanang pagtungo sa bansa ng UN Special Rapporteur na mag-iimbestiga sa lumolobong kaso ng extrajudicial killings sa bansa.

Read more...